Nation

ANTI-HAZING LAW MAY SAPAT NANG NGIPIN LABAN SA KARAHASAN SA FRATERNITY — SENADOR

/ 11 March 2023

NANINIWALA si Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na wala nang dapat baguhin sa Anti-Hazing Law.

Iginiit ni Pimentel na may sapat nang ngipin ang batas upang mapapanagot ang mga taong lalabag dito.

“Kasi ‘yung penalty maximum na eh. Tapos involved na lahat. Pati school authorities. Siyempre, if alam nila. Para sa akin, minaximum na natin ‘yung penalty possible eh. Reclusion perpetua na talaga eh,” pahayag ni Pimentel.

Binigyang-din ng senador na kailangan lamang bumalangkas ng mga hakbangin upang matiyak na magiging deterrent o epektibong mapipigilan ng batas ang anumang karahasan sa mga kapatiran ng mga estudyante.

Ipinaliwanag ni Pimentel na kailangang tuparin ngayon ay matiyak na mapananagot ang mga taong sangkot sa pinakahuling insidente ng hazing upang katakutan na ng ibang estudyante.