Nation

ANO BA ANG NARARAPAT NA SCHOOL FEES NGAYON PANDEMYA? MGA PANUNTUNAN ILALATAG NG CHED

/ 30 August 2020

TINIYAK ni Commission on Higher Education Chairman Popoy de Vera na magpapalabas sila ng memorandum sa mga pribadong higher educational institutions kaugnay sa kanilang mga singilin sa panahon ng Covid19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Higher and Technical Education, sinabi ni De Vera na may binalangkas na silang listahan ng mga katanggap-tanggap na miscelanous fees para sa flexible learning.

Ginawa ni De Vera ang pahayag kasunod ng pagtatanong ng kinatawan ng National Union of Students of the Philippines bunsod na rin ng sangkaterbang reklamo ng hindi makatarungang singilin ng ilang pribadong learning institutions.

“We have come out with a list. I will release a memondum  on what are the applicable fees,” pahayag ni De Vera.

Kasabay nito, nanawagan ang opisyal sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo na tiyaking natatalakay sa mga estudyante at mga magulang ang kanilang mga singilin bago ito ipatupad.

“Ang problema kasi minsan hindi nag-uusap nang maigi. Hindi malinaw kung para saan ang mga fee, ‘yan ay responsibilidad ng mga private university,” pagdidiin pa ni De Vera.