Nation

ANGARA BUKAS NA MAGING DEPED SECRETARY

/ 2 July 2024

IMPOSIBLENG tanggihan kung magkaroon man ng alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Education.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Juan Edgardo Angara kaugnay sa mga rekomendasyon sa kanya bilang kapalit ni Vice President Sara Duterte sa DepEd.

Sinabi ni Angara na bukas siya sa posisyon sakaling ialok sa kanya ito ng Malakanyang.

“Wala pa pong alok na maging kalihim po tayo ng edukasyon. Siguro kailangan ni Pangulong Bongbong Marcos ng oras tulad ng sinabi niya para makapagpili siya ng nababagay at napupusuan niya para sa posisyon,” ayon kay Angara.

Sinabi ni Angara na nakikita niyang mahalagang matugunan ng susunod na DepEd Secretary ang kalidad ng edukasyon, kabilang na ang decongestion ng curricum na matagal na anyang long overdue at ang patuloy na pagresolba sa classroom congestion.

Si Angara ay mayroon na lamang hanggang June 2025 sa Senado para sa kanyang huling termino.