ANAK NG BALLPEN VENDOR SUMMA CUM LAUDE SA PMA SIKLAB-LAYA CLASS OF 2025
KABUUANG 266 kadete ang nagtapos sa Philippine Military Academy noong Sabado, May 17, sa Fort Generak Gregorio H. del Pilar sa Baguio City.
Nanguna sa graduation rites si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan bahagi ng kanyang talumpati ang payo sa mga bagong garduate na manatiling mahusay sa gitna ng lumalaking banta ng cyber warfare.
“๐๐ต๐ข๐บ ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ญ๐ญ๐บ ๐ด๐ฉ๐ข๐ณ๐ฑ ๐ข๐ฎ๐ช๐ฅ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐จ๐ณ๐ฐ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต ๐ฐ๐ง ๐ค๐บ๐ฃ๐ฆ๐ณ ๐ธ๐ข๐ณ๐ง๐ข๐ณ๐ฆ,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sinabi ng Panguloย na dapat taglayin ng bagog graduates ang makabagong kakayahan at kahusayan upang labanan ang hamon sa makabagong panahon.
Angย โSiklab-Layaโ class,ย na nangangahulugan na โSundalong Isinilang na Kasangga at Lakas ng Ating Bayan para sa Kalayaanโ, ay kinabibilangan ng 212 lalaki at 54 babae.
Ang 137 sa kanila ay magiging bahagi ng Philippine Army (PA), 71 sa Philippine Navy (PN) atย 58 sa Philippine Air Force (PAF).
Summa cum laude si Cadet First Class Jessie Ticar Jr., 23,ย mula sa Quezon City, at bunsong anak ng isang ballpen vendor at person with disability.
Bago.pumasok sa PMA ay kumuha si Ticar ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Polytechnic University of the Philippinesย – Manila.
Kahit wala sa pamilya niya ang pagiging militar ay nais niyang maging matagumpay bilang sundalo.
Gumawa ng kasaysayan sa PMA si.Ticar na bukod sa unang militar sa kaniyang angkan, nakamit niya ang pinakamataas na grado ng akademya.
Siya ang ika-4 na nagtapos na summa cum laude at magiging opisyal ng Philippine Army.