Nation

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM A&E TEST TULOY SA ONLINE

/ 11 October 2020

ITUTULOY ngayong taon ang Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Test para sa elementary and high school completers.

Gayunpaman, ito ay isasagawa fully online. “Please be informed that per Bureau of Education Assessment, a computer-based 2019 Accreditation and Equivalency Test will be administered for Elementary and Junior High School level completers,” ayon sa advisory ng DepEd Office of the Assistant Secretary – ALS noong Oktubre 6.

Ang computer-based A&E ay para sa mga completer na may edad 21 hanggang 59 lamang. Magkakaroon ng ibang paraan ng pagsusulit yaong mga mas bata sa 21 at mas matanda sa 59 na ilalabas ng BEA sa mga susunod na linggo, depende sa development ng kalagayang pangkalusugan ng Filipinas.

Dahil din sa matutuloy ang A&E ay ipagpapaliban na ang Readiness Test na dapat sana’y magaganap ngayong taon.

Subalit paalalala ng ALS, para makapagpatala ang mga completer sa eksam ay nararapat pa rin na makumpleto at maipasa nila ang kanilang portfolio. Kahingian sa A&E ang marka nila rito, na ibibigay ng mga Education Program Specialist II, ALS Mobile Teachers, at ALS District Coordinators.

Sakaling kumuha ng pagsusulit pero bumagsak, ang mga mag-aaral ay malayang mag-enroll  sa ALS o sa mga Open Elementary at Open High Schools na akredito ng DepEd upang pormal na magpatuloy at magkumpleto ng mga kahingian.

Para sa buong guidelines kung paano makakukuha ng pagsusulit at makapagpapasa ng portfolio, bisitahin lamang ang link na ito: https://www.deped.gov.ph/wp- content/uploads/2020/10/FINAL-ADVISORY-on-AERT-v-6-Oct-2020.pdf.