Nation

AHENSIYANG TUTUTOK SA PRIVATE ELEM AT HIGH SCHOOLS PINABUBUO

/ 14 September 2020

ISINUSULONG ni Parañaque City 1st District Rep. Eric Olivarez ang pagbuo ng isang tanggapan sa ilalim ng Department of Education na mangangasiwa sa mga pribadong paaralan.

Sa paghahain ng House Bill 3209 o ang proposed Bureau of Private Schools for Primary and Secondary Education Act, sinabi ni Olivarez na ang DepEd ay nakatutok lamang sa mga pangangailangan at problema ng mga pampublikong paaralan.

Ipinaliwanag ni Olivarez na bagama’t nangangailangan ng matinding atensiyon ang mga problema sa mga pampublikong paaralan, dapat ding pagtuunan ng pansin ang mga isyu sa mga pribadong paaralan.

“Considering the dilemma faced by the private schools, it is about time that a bureau is created that will exclusively cater to the needs of private education specifically in the private elementary and high school sectors,” pahayag ni Olivarez sa kanyang explanatory note.

Batay sa panukala, pangunahing mandato ng bubuuing  nggapan ang pamamahala at pagbabantay sa mga pribadong primary at secondary schools.

Kasama sa mga kapangyarihan ng tanggapan ang pagbuo ng mga plano, polisiya, prayoridad at programa para sa private primary at secondary education.

Mandato rin ng bureau na magbantay at magsagawa ng ebalwasyon sa performance ng mga pribadong paaralan, gayundin ang pagpapatupad ng mga programang sinusuportahan ng subsidiya ng gobyerno.

Nilinaw naman sa panukala na mananatili ang academic freedom sa mga private educational institution sa kabila ng pagtatatag ng bureau.