AGRI SCHOLARSHIP PROGRAM NG ISRAEL PARA SA MGA PINOY TULOY
TINIYAK ng Israeli government na hindi nila sususpindehin ang agriculture scholarship program para sa mga Pinoy sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at ng Hamas militant group.
Sa isang press conference sa pamamagitan ng Zoom kahapon, mismong si Israeli Ambassador to the Philippine Ilan Fluss ang nagkumpirma na wala silang sinuspindeng scholarship program, subalit maaari aniyang maantala dahil sa sitwasyon ngayon sa kanilang bansa.
Sa ngayon, aniya, ay hindi muna papayagan ang pagtungo sa Israel ng mga estudyante na kasama sa scholarship program upang maiwasan ang disgrasya dulot ng nagaganap na labanan sa Gaza.
Bukod sa pagpapadala ng mga estudyante sa Israel, wala ring tutungong delegasyon sa Pilipinas dahil pa rin sa nagaganap na kaguluhan sa kanilang lugar.