Nation

AFP GENERAL NA SANGKOT SA MALING ‘NPA LIST’ NAG-LEAVE

/ 29 January 2021

Naghain ng leave of absence si Major General Benedict Arevalo, ang deputy chief of staff for civil-military operations ng Armed Forces of the Philippines o J7, makaraang mailathala ang maling listahan ng mga pangalan ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army-Communist Party of the Philippines.

Paliwanag ni Arevalo, nais niyang bigyang-daan ang imbestigasyon sa maling listahan ng NPA, kasama na rito ang isang dating UP student na napatay umano sa military operations.

“In the light of these developments, I will go on leave of absence so as not to influence the ongoing investigation,” pahayag ni Arevalo sa isang statement na ipinalabas hatinggabi ng Enero 29.

Ang Civil-Military Operations Office ang nangangasiwa sa AFP Exchange Facebook page, na siyang naglathala ng maling listahan.

ibak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si military intelligence chief Major General Alex Luna na pinagmulan ng maling listahan ng mga miyembro ng NPA.