Nation

ADVISORY COMMITTEE VS ASF BINUO NG UPLB

/ 17 April 2021

PINURI ni Senadora Pia Cayetano ang pagbuo ng University of the Philippines-Los Banos ng advisory committee para sa mga hakbangin ng bansa laban sa African swine fever.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole hinggil sa isyu ng pagbababa ng taripa ng imported na karne, nangako si Cayetano, chairman ng Senate Committee on Sustainable Development Goals and Futures Thinking, na susuportahan niya ang pondo at iba pang resources na kakailanganin ng UPLB sa mga aktibidad tulad ng data analytics, disease surveillance, vaccine development, at mitigation and control.

“What can we do to move this forward? Remember, right now we are just talking about swine, but we also have other animal industries to take care of; the fisheries, the poultry and so on and so forth… Maybe you can submit it because in a few months, we will be taking up the budget and we want to be sure that we look into that,” diin ni Cayetano.

Samantala, sa nabanggit na hearing ay hinimok ni Senadora Grace Poe ang Department of Agriculture na kumonsulta sa UPLB para sa pagtatayo ng Biosafety laboratory para sa pagbuo ng sariling bakuna laban sa ASF.

Sinabi ni Poe na mahalagang magkaroon na rin ng sariling laboratoryo ang bansa dahil posibleng hindi lamang ang ASF ang maging problema nito.

Sa pagdinig, sinabi ng DA na kakailanganin nila ng P2.5 hanggang P3 bilyon na pondo para sa pagtatayo ng laboratoryo para sa research and development para sa bakuna.