ACT DUMULOG SA CHR PARA SA PROTEKSIYON NI TEACHER LAI
HUMINGI na ng tulong ang Alliance of Concerned Teachers sa Commission on Human Rights upang proteksiyonan si CARAGA union secretary, Teacher Rosanilla ‘Lai’ Consad.
Si Consad ay inaresto noong Marso 17 makaraang akusahan umano ng Department of the Interior and Local Government ang ACT bilang communist terrorist group at pansamantalang nakalaya makaraang magpiyansa
Matapos na maaresto sa umano’y kasong homicide ay iniharap pa sa isang press conference si Consad at saka lamang pinayagang makausap ang kaniyang abogado at kaanak para makapagpiyansa.
“We’re here to seek CHR’s assistance and protection for Teacher Lai, who after being unjustly detained, continues to face threats to her life, security, and liberty. By her own account, the notorious task force to end local communist armed conflict (TF-ELCAC) agent who harangued her during one of her interrogations told her to hide and leave CARAGA at once, and threatened to harm her if she refused to do so,” ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio.
Giit ng kampo ni Consad, walang koneksiyon sa kanyang kasong homicide ang pag-aresto sa kanya noong isang buwan at nalabag ang kanyang karapatang pantao kaya hiling niya ang proteksiyon.
Nanawagan din ang grupo na hindi lamang si Consad ang tulungan at bigyan ng proteksyon kundi pati ang iba pang dumaranas ng pananakot ng militar.