ACCESSIBLE AND APPROACHABLE PHILIPPINE HISTORY HATID NG ‘PODKAS’
MAYROON nang bagong tututukan ang mga mag-aaral ng kasaysayan!
Magsisimula na sa Disyembre 30 ang pinakabagong podcast na tatalakay sa samu’t saring isyu at paksa sa kasaysayan ng Filipinas —ang ‘PodKas’.
Layon ng PodKas na palawakin ang kritikal na mga talakayan hinggil sa usapin ng kasaysayan, politika, at lipunan sa pamamagitan ng paghahatid ng mga aralin sa social media nang may wikang naiintindihan ng masa.
Partikular ang programa sa sumusunod na layunin:
- Spread awareness on the relevance of history and the social sciences;
- Contribute to the discussion pertinent to present issues;
- Inspire continuous conversations about history, politics, and society;
- Promote critical thinking and evidence-based approaches to understanding social issues in difference contexts.
Ito ay pangungunahan ng mga batikang guro, mananaliksik, at iskolar ng kasaysayan na sina Lee Candelaria, Aaron Mallari, at Vec Alporha.
Si Candelaria ay teaching fellow sa Hiroshima University sa Japan na nagtapos ng BA at MA History sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Si Mallari naman ay isang Erasmus Mundus scholar ng Ghent University Belgium na nagtapos din ng BA at MA History sa parehong pamantasan.
Samantala, si Alporha ay Assistant Professor ng Kasaysayan sa UP Los Banos. Siya’y nagtapos ng BA Social Sciences sa UP Baguio at ng MA History sa UP Diliman.
Para sa unang season, tatalakayin ng tatlong propesor ang ‘Why, What, When, Who, Where, and How of History’ o #History101.
Libreng mapakikinggan ang PodKas sa Spotify, Apple Podcast, Google Podcast, Anchor.fm. Maaari rin itong mapakinggan sa mga social media pages —facebook.com/podkasconversations at twitter.com/podkas_.
Bisitahin ang kanilang opisyal na website sa www.podkas.org.