‘ABOT PANGARAP’ PROGRAM NG TESDA TUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG MGA MAG-AARAL
PINALALAWIG pa ng Technical Education and Skills Development Authority ang ‘Abot Pangarap’ Program, sa tulong ng mga pribadong kompanya, upang mapag-aral ang mga mahihirap pero masisikap na mag-aaral sa panahon ng pandemya.
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III, kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor at indibidwal upang mapalawak pa ang pondong laan sa mga kabataang nagnanais magpatuloy sa pag-aaral pero walang kakayahang pinansiyal na matustusan ang sarili dala ng krisis na dulot ng Covid19.
“The coronavirus pandemic has shuttered our dreams. Most people have been displaced and retrenched from their work, and our students forced to take an academic freeze to help their parents find other sources of livelihood.
“During natural calamities, generous individuals and organizations responded by raising funds to assist affected families and communities. We hope to connect them with those affected by sponsoring their skill training and livelihood programs,” sabi ni Bertiz.
Layon ng ‘Abot Pangarap’ na mapadalo ang mga mag-aaral sa samu’t saring gawaing makapagdedebelop ng angking kakayahan gaya ng mentorship, coaching, workshops, community service, at on-the-job trainings sa mga pribadong kompanya.
Dagdag na paliwanag ng TESDA Director, “An individual who aspires to reskill and upskill shall be linked with and supported by donor individual, company or organization by bankrolling the costs of the skills training courses offered by TESDA.
“This program gives ordinary people, private companies, and non-governmental organizations the chance to be part of the dream and enable these deserving SEOs to create wealth and opportunities for themselves and for others.”