97.5% NG PUBLIC SCHOOLS BALIK SA FULL F2F CLASSES
UMABOT na sa 97.5 percent ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagsasagawa na ng full five-day face-to-face classes.
UMABOT na sa 97.5 percent ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagsasagawa na ng full five-day face-to-face classes.
“Base po sa datos na naibigay sa atin from the field, which we consolidated, 97.5 percent na lahat ng public schools ang nag-i-implement na po ng fibe-day in-person classes,” wika ni DepEd spokesperson Michael Poa.
Sinabi rin ni Poa na 2.36 percent ng mga pampublikong paaralan ang pinayagang magsagawa ng blended learning.
“(But) I would have to emphasize ito po ay moving number, hindi po sya definite figure,” ani Poa.
“Ito ‘yung mga schools na affected by the recent typhoons. Ang mga schools na ito ay maaaring ginagamit pa bilang evacuation centers or nag-sustain ng infrastructure damages or isinasagawa pa po yung clean up kaya hindi pa po natin naibabalik ‘yung mga learners sa schools. Pero once maayos na po ito, once malinis na ‘yung mga schools at ligtas na para bumalik yung ating leaners they will go back to in-person classes,” dagdag pa ni Poa.
Sa ngayon, nasa 435 schools ang kasalukuyang ginagamit pa rin bilang evacuation centers habang 234 schools naman ang nasira ng nagdaang bagyo.
“Tayo naman po ay nakikipag ugnayan sa mga LGUs para po ma-decamp na kung pwede yung ating mga paaralan,” ani Poa.
“Nakapag-download naman po tayo ng clean up funds as well as funds for necessary temporary learning spaces that we will have to put up in these areas,” dagdag pa niya.