94% NG PUBLIC SCHOOLS SA NCR BALIK-FULL F2F CLASSES
NASA 94 porsiyento ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region ang nagpapatupad na ng limang araw na face-to-face classes, ayon sa Department of Education.
NASA 94 porsiyento ng mga pampublikong paaralan sa National Capital Region ang nagpapatupad na ng limang araw na face-to-face classes, ayon sa Department of Education.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, naging maayos naman ang pagbabalik ng klase sa mga paaralan sa Metro Manila matapos ang mahabang bakasyon ng mga mag-aaral.
Paliwanag pa ng DepEd spokesperson na hinihintay pa nila ang feedback mula sa mga regional director nang sa ganoon ay kaagad nilang matugunan sakaling mayroong hamon o problema silang kinakaharap.
“I don’t want to generalize kaagad because we’re still waiting for reports from other regional directors,” ani Poa.
“So far naman po wala pa naman tayo natatanggap na mga untoward incidents, so masasabi natin maayos naman yung resumption of 5-day in-person classes natin,” dagdag pa niya.
Nilinaw rin Poa na hindi naman bago ang face-to-face classes dahil simula pa noong Agosto 22 ngayong taon ay karamihan sa mga pampublikong paaralan ay nagpatupad na ng face-to-face. At kahit pa, aniya, ang blended learning ay face-to-face classes din para sa tatlo hanggang apat na araw kada linggo.
“Gusto natin i-clarify na hindi na hindi naman po bago ang in-person classes, simula August 22 nag-start na tayo ng in-person classes. Karamihan sa mga public schools eh nag-i-implement na po talaga ng in-person classes,” aniya.