Nation

78,023 LEARNERS SA MAKATI MAY LIBRENG RUBBER SHOES

/ 1 February 2023

AABOT sa 78,023 estudyante sa mga public school sa Makati City ang may libreng rubber shoes mula sa kanilang local government unit.

Ang pamamahagi ng rubber shoes ay sa ilalim ng proyektong “AB 5.0” na pinangunahan ni Mayor Abby Binay, kasama ang iba pang mga opisyal ng lungsod sa pagbisita sa Rizal Elementary School, Makati Elementary School, Benigno Ninoy Aquino High School, at Makati High School, para sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang senior high school.

Naiiba ang kulay at estilo ng ikal-imang bersiyon ng rubber shoes kumpara sa naunang apat na bersiyon dahil ginawang stylish at sunod sa uso ang disenyo ng rubber shoes para maging proud at masaya ang mga estudyanteng magsusuot nito.

Matatandaang naging internet sensation ang pamamahagi ng rubbers shoes ni Binay nang ilunsad ito noong 2018 at ilang local government units na rin ang sumubok na gayahin ang rubber shoes at iba pang mga kagamitang ibinibigay sa Proud Makatizen students ngunit hindi mapantayan ang kalidad at disenyo ng mga materyales nito.

Bukod sa rubber shoes, namahagi rin ang lungsod sa mga mag-aaral ng reusable water tumblers na katulad ng mabentang lalagyan ng tubig sa merkado.

Mayroon ding 8,910 senior high school students ang makatatanggap ng kanilang mga bagong knapsack-styled bag na gawa sa de-kalidad, matibay at water-repellent na materyal.