71-ANYOS NA LOLA NAGTAPOS SA ELEMENTARYA
ISANG 71 taong gulang na mag-aaral mula sa Maharlika Integrated School sa Lungsod ng Taguig ang nagtapos ng elementarya.
Lubos ang tuwa ni Lola Ellen Rivera sa pagtanggap ng kanyang certificate ng pagtatapos ng elementarya nitong Hulyo 12.
Sa pagmamalasakit ng mga kumupkop kay Lola Ellen, naiwanan niya ang mahirap na katayuan ng buhay at naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nakapagtapos siya ng elementarya sa kanyang pagpupursige. Siya ay isang patunay na ang pag-aaral ay walang pinipiling edad. Hinihikayat din niya ang mga kapwa senior citizen na nais mag-aral muli o makapagtapos ng anumang lebel ng pag-aaral na huwag mahihiya na bumalik sa eskwela at mag-aral.
Lubos din ang pasasalamat ni Lola Ellen kay Mayor Lani Cayetano dahil sa handog ng lokal na pamahalaan na libreng mga kagamitan gaya ng sapatos, uniform, at medyas niya.
Bilang isang Transformative, Lively, at Caring City, patuloy ang lokal na pamahalaan na magpapaabot ng oportunidad at makarating ang tulong sa bawat Taguigueño, anuman ang edad nila, para makamit ang mga pangarap nila sa buhay.
Personal din na binati nina Vice Mayor Arvin Ian Alit, Konsehal Yasser Pangandaman, Konsehal Ed Prado, Konsehal Jomil Serna, Konsehal Alex Penolio, at Konsehal Marisse Balina-Eron si Lola Ellen sa kanyang nakamit na tagumpay.