7 SPECIAL EDUCATION SCHOOLS IPINATATAYO SA DAVAO ORIENTAL
ISINUSULONG ni Davao Oriental 2nd District Rep. Joel Mayo Almario ang pitong panukala para sa pagtatayo ng mga special education school sa kanilang lalawigan.
Sa paghahain ng House Bills 4272, 4273, 4274, 4275, 4276, 4277, 4278, binigyang-diin ni Almario na mahalaga ang special education schools upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga learners with learning disabilities.
Nais ni Almario na magkaroon ng mga special education school sa mga bayan ng Banaybanay, Governo Generoso, San Isidro at Lupon.
Tatlong special education schools naman ang isinusulong ni Almario na maitayo sa lungsod ng Mati na target ilagay sa Barangay Dawan, Central davao at Dahican.
Sinabi ng kongresista na sa ngayon ay tatlo lamang ang SPED Centers sa kanilang lalawigan.
“Due to the distance and financial constraints brought about by high transportation costs, personal and safety expenses and other necessary logistical costs, these centers are inaccessible to special learners residing farther areas,” pagbibigay-diin ni Almario sa kanyang explanatory note.
Batay sa mga panukala, isasama sa programa ng Department of Education ang operasyon ng mga special school na ang pondo ay isasama sa General Appropriations Act.