7 PANG SUBJECTS IPINASASAMA SA MGA ARALIN SA ISKUL
UPANG mas mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa iba’t ibang usapin sa bansa, isinusulong ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang panukala para sa pagdaragdag ng mga subject sa kasalukuyang school currirula.
Sa kanyang House Bill 3749, pito pang subjects ang nais ni Rodriguez na ipasok sa curricula na kinabibilangan ng climate change adaptation; indigenous education; gardening; culture, peace and solidarity; computer subjects; intellectual property; at Philippine society and the environment.
Ipinaliwanag ng kongresista na sa gitna ng mga kalamidad sa bansa, tila hinid pa rin lubos ang kaalaman ng mga Pinoy sa epekto ng climate change kaya dapat itong ituro simula sa elementary hanggang kolehiyo.
“The lack of indigenous education would continue to set indigenous youth apart from their own cultures. Education is the key to self-determination. More importantly, education would eliminate prejudice and discrimination,” paliwanag ni Rodriguez sa paggiit ng indigenous education sa curriculum.
Binigyang-diin pa ng kongresista na napapanahon ang pagtuturo ng gardening dahil sa mabilis na paglago ng populasyon at kakapusan naman ng pagkain.
Idinagdag pa ng mambabatas na mahalaga ang pag-aaral ng kultura ng bansa upang mahubog ang kabataan sa pagbibigay respeto sa pagkakaiba ng mga kinagisnang kultura.
Iginiit din niya na sa panahon ng advance science, mas maraming bansa ang gumagamit na ng computer technology kaya dapat na magkaroon ng advance knowledge sa teknolohiya ang mga estudyante.
Ikinatuwiran naman ng mambabatas ang pagkakabilang pa rin ng Filipinas sa watchlist ng mga bansa kung saan talamak ang pamimirata sa paggiit nito na maipasok sa school curricula ang pag-aaral sa intellectual property rights.
Sa kanyang explanatory note, binigyang-diin ng mambabatas na mahalaga ang subject sa Philippine Society and the Environment para sa inter-relationship, appreciation, conservation, rehabilitation, promotion at development ng komunidad.