Nation

7 A.M. NA UMPISA NG KLASE SOBRANG MAAGA, IPINAUURONG NG MAMBABATAS

/ 30 December 2020

ISINUSULONG ni Bacolod City Rep. Greg Gasataya ang panukala para i-adjust ang pagsisimula ng klase sa pagbabalik normal ng sistema ng pag-aaral.

Sa kanyang House Bill 569 o ang proposed Adjusted Class Hours Act, ipinaalala ni Gasataya na sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon, kailangang iprayoridad ang kalusugan ng mga mag-aaral.

“It is the policy of the State to adopt an integrated and comprehensive approach to health development in schools. Complementary to this, the State must give priority to the physical, mental and social well-being of students,” pahayag ni Gasataya sa kanyang explanatory note.

Ipinaliwanag ng kongresista na hindi nakatutulong sa mga estudyante ang mas maaga pa sa alas-7 ng umaga na pagsisimula ng klase.

“With the new K-12 curriculum that puts more workload on students, the current state of transportation, state of mental health in the country, and the accessibility of schools especially in rural areas, students are put at risk of fatigue and compromising their safety,” paliwanag pa ng mambabatas.

Alinsunod sa panukala, ia-adjust ang pagsisimula ng mga klase sa alas-8:30 ng umaga.

Mandato naman ng Department of Education at Commission on Higher Education na bumalangkas ng mga regulasyon para maipatupad ang adjustment sa oras ng pagpasok ng mga estudyante.