65-YEAR-OLD PASOK SA TOP 10 SA LET
KAHIT nasa retirement age na, pinatunayan ng isang 65-year-old graduate mula sa University of the Visayas sa Cebu na "age is just a number" matapos nitong masungkit ang Top 10 sa nakaraang October 2022 Licensure Examination for Teachers.
KAHIT nasa retirement age na, pinatunayan ng isang 65-year-old graduate mula sa University of the Visayas sa Cebu na “age is just a number” matapos nitong masungkit ang Top 10 sa nakaraang October 2022 Licensure Examination for Teachers.
Si Ma. Nida Suarez ay nakakuha ng iskor na 92.60 percent sa nagdaang LET.
Nasa 20,567 ang kumuha ng pagsusulit ngunit 10,039 lamang ang nakapasa, base sa tala ng Professional Regulation Commission.
Kasabay ni Suarez na kumuha ng examination ang kanyang anak na si Bezaleel James Moran, 24, na nagtapos naman sa University of the Eastern Philippines at pumasa rin.
Batay sa ulat ng iTacloban, nagtapos sa kursong Bachelor in Elementary Education si Suarez noong 2020 ngunit hindi agad nakapag-apply para sa pagsusulit dahil sa pandemya.
Dati na umanong nag-aral ng iba’t ibang kurso si Suarez ngunit hindi nito natapos dahil palipat-lipat ito ng kurso.
Sa edad na 65 ay hindi na maaaring magturo sa mga pampublikong paaralan si Suarez dahil nasa retirement age na siya, base sa guidelines ng Department of Education.
Gayunman ay maaari siyang magturo sa mga pribadong paaralan at nais din umano nitong magturo sa Carl E. Balita Review Center kung saan siya nagrebyu para sa LET.