Nation

600K DEPED PERSONNEL MAGSESERBISYO SA MAY 9 POLLS

/ 23 April 2022

NASA 600,000 personnel ng Department of Education ang magseserbisyo sa May 9 elections.

Sa pagdinig ng Senate ways and means committee sa mga panukalang batas na naglalayong i-exempt sa income tax ang honoraria at allowances na ibinibigay sa mga poll worker, kabilang ang mga guro, noong Huwebes, sinabi ni DepEd Director Marcelo Bragado Jr. ng procurement management service na tumaas ang bilang ng mga tauhan ng DepEd na ide-deploy sa darating na halalan.

“We are looking at a figure of more or less 600,000 DepEd personnel who will work with the Comelec in this election,” ani Bargado.

“This 2022 elections, because of the increase in the number of registered voters, the Comelec increased the number of clustered precincts. So we have 106,000 clustered precincts,” dagdag pa niya.

Aniya, may kabuuang 319,317 guro ang magsisilbing miyembro ng electoral boards habang ang iba ay non-teaching DepEd personnel na magsisilbing supervising officials, support and technical support staff,  gayundin bilang board of canvassers.