6,000 ESKUWELAHAN HANDA NA SA EXPANSION PHASE NG F2F CLASSES
MAHIGIT 6,000 eskuwelahan ang handa nang lumahok sa expansion phase ng limited face-to-face classes sa sandaling ibaba ang alert level status sa kanilang mga lugar, ayon sa Department of Education.
MAHIGIT 6,000 eskuwelahan ang handa nang lumahok sa expansion phase ng limited face-to-face classes sa sandaling ibaba ang alert level status sa kanilang mga lugar, ayon sa Department of Education.
“Basta maging Alert Level 2, ang report sa atin ng mga regional directors, we have more than 6,000 schools that are ready to join the expanded phase at parami nang parami ang mga handa na ‘yan basta ma-comply na nila ‘yung ating school safety assessment,” sabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.
Batay sa pinakahuling datos ng DepEd, nasa 304 paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 o 2 ang kuwalipikadong magsimula ng face-to-face classes.
Samantala, 59 pilot public at private schools sa Regions 4A, 8, 10, at National Capital Region ang patuloy na nagsasagawa ng in-person classes.
“Kaya nga natin tinawag ito na progressive expansion phase, this is on a rolling basis,” ayon pa sa opisyal.
“There are a number of factors to consider in the further relaxation of the protocols and that includes the vaccination levels at saka itong [and our] continuous observance nitong ating [of our] safety protocols,” dagdag pa niya.