Nation

6 NA E-LIBRARIES IPINATATAYO SA QC

/ 10 June 2021

IPINANUKALA ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang pagtatayo ng E-Library sa anim na barangay sa lungsod.

Inihain ni Vargas ang House Bills  9525, 9526, 9527, 9547, 9548  at 9549 para maitayo ang E-Library sa Barangay San Agustin, Barangay Novaliches Proper, Barangay Pasong Putik Proper, Barangay San Bartolome, Barangay Sta. Lucia at Barangay Monica.

Sinabi ni Vargas na mahalagang bahagi ng pangunahing serbisyo at pasilidad ng bawat lokal na pamahalaan ang mga pampublikong silid-aklatan batay sa Local Government Code of 1991.

Bukod dito, iginiit ng kongresista na dapat ding ipatupad ang Republic Act 7743 na nagmamandato ng pagtatayo ng congressional, city at municipal libraries, gayundin ng barangay reading centers.

“With the onset of the digital age, a promising alternative is to set up virtual libraries or e-libraries in barangay halls to make knowledge and information more accessible to the public,” pahayag ni Vargas sa kanyang explanatory note.

Batay sa kanyang mga panukala, ang bawat e-library ay magkakaroon ng tatlong computers na may internet access at eksklusibong gagamitin sa educational and research purposes.

Nakasaad sa panukala na ang pondo para sa pagtatayo sa mga e-library ay magmumula sa budget ng Department of the Interior and Local Government.