Nation

5GB HIGH-SPEED MOBILE DATA AYUDA NG GLOBE TEL AT AYALA FOUNDATION SA 146 SCHOOLS

/ 23 November 2020

MAHIGIT sa 6,000 mga guro mula sa 146 na mga pampublikong paaralan sa buong Filipinas ang nakatanggap ng tulong mula sa Globe Telecom, Inc. at Ayala Foundation Inc. para sa mas epektibong paghahatid ng mga aralin sa mga mag-aaral sa paraang modular at online learning, at bilang suporta sa programa ng Department of Education – Sulong Edukalidad.

SIM cards na may 5GB high-speed mobile data sa loob ng 30 araw ang ipinamahagi ng Globe sa mga guro para sa mabilis na connectivity. Tugon ito ng kompanya sa pinakahuling pag-aaral ng DepEd na 49 porsyento ng mga guro ay walang sariling internet source.

Pinasalamatan ni Education Undersecretary Tonisito Umali ang pakikiisa at patuloy na pagbabayanihan ng mga pribadong sektor upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga guro at mag-aaral sa panahon ng krisis.

Laking pasasalamat ni Umali sa Globe sapagkat noon pa mang nagsisimula ang DepEd Commons ay nanguna ito sa pagsasabing handa silang gawing libre ang internet ng sinumang bibisita at magda-download ng resources mula sa DepEd Commons.

“We are truly grateful to all our partners especially to Globe and Ayala Foundation for providing connectivity assistance to help us upskill and reskill our teachers in order to realize the much-needed reforms in basic education, even during the pandemic,” sabi ni Umali.

“A lot of adjustments have to be made. That is why Globe continuously looks for ways to empower our teachers and students not just through connectivity but also by building their capabilities using information and communications technology so they can fully adapt to the new learning mode,” pahayag ni Globe Chief Sustainability Officer at Senior Vice President for Corporate Communications Yoly Crisanto.

“The Ayala group is steadfast in its support for public education efforts, especially now that we are collectively facing the Covid19 challenge. Through Brigada ng Ayala, we continue to serve our teachers and learners nationwide by providing much needed health and safety kits, as well as connectivity support to facilitate online learning and access relevant educational content online,” wika naman ni Ayala Foundation President Ruel Maranan.

Ang Brigada Ayala ang volunteer arm ng Ayala Group of Companies na nangangasiwa ng repainting activities at clean-ups sa mga paaralan sa tuwing sasapit ang Brigada Eskwela ng DepEd. Pinahusay nila ang pagtulong sa mga paaralan sa pamamagitan ng paghahatid ng pinakamabilis at pinaka mapagkakatiwalaang internet connection habang nag-oonline class.

Hindi rito nagtatapos ang pag-abot ng Globe sa mga paaralang nangangailangan. Nakapila pa ang pamamahagi nila ng Globe SIM at Home Prepaid WiFi sa iba’t ibang dako ng bansa.