Nation

581 TRAFFIC ENFORCERS IPOPOSTE NG MMDA SA 146 METRO SCHOOLS

/ 16 August 2022

UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro sa pagpapatupad ng face-to-face classes sa Agosto 22, ikinasa ng Metropolitan Manila Development Authority ang Oplan Balik-Eskwela Program.

Ayon kay Director Neomi Recio, hepe ng MMDA Traffic Engineering Center, isang linggo bago ang face-to-face classes ay inihanda na nila ang 2,238 MMDA personnel para alalayan ang mga estudyante at guro laban sa anumang untoward incident kapag papasok at pauwi mula sa mga paaralan.

Kasama sa programa ang ipinatupad na expanded number coding, sidewalk clearing at sa ilalim nito ang pagputol sa sanga ng mga puno upang hindi tamaan ang mga dumaraan, emergency vehicles at maging ang deployment ng 581 traffic enforcers sa mga kalsada patungo sa 146 paararlan sa Metro Manila.

“Mayroon kaming MMDA Oplan Balik Eskwela, may deployment kami iba’t ibang unit of MMDA personnel 2,238 composed of traffic enforcement group, traffic enginnering, traffic ‘yung naglalagay ng mga pedestrian lanes, road signs kung kailangan ng bakod meron tayong sidewalk clearing operations, siyempre kailangan g linisin ang mga sidewalk lalo na sa mga papasok sa public schools para makapaglakad nang maayos ang ating mga estudyante lalo na sa main road meron, maytaga trim tayo ng puno kasi baka mabagsakan ang batang naglalakad , and of course may flood control declogging unit, 581 traffic enforcers to be deployed doon sa ating 146 na eskwelahan,” bahagi ng pahayag ni Recio.

Aalalay rin ang MMDA sa mga guro at estudyante sakaling may aksidenteng maganap habang papasok o pauwi ang mga ito mula sa paaralan.

Ito ay sa pamamagitan ng inihanda nilang emergency response vehicles sakaling magkaroon ng aberya o aksidente ay mayroon aniyang response quick team at mayroon itong mga istasyon gaya sa Edsa-Timog, Edsa Ortigas, Edsa Oense, Roxas Boulevard, along C5 -Ortigas, Commonwealth -Tandang Sora at Nagtahan.