58 PAF PERSONNEL NAGTAPOS SA TRAINING COURSE
KABUUANG 58 personnel ng Philippine Air Force ang nakatapos ng Probationary Officer Training Course Class of 2022 sa Philippine Air Force Officer Candidate School nitong Disyembre 20.
Ginanap ang graduation ceremony sa PAFOCS Mess Hall, AETDC, Lipa City, Batangas.
Guest of Honor and Speaker si Colonel Lloyd S. Cabangungan, PAF(GSC), Chief of Command Staff, AETDC.
Tinawag ang POTC Class of 2022 bilang ‘’SUMIDLAK” na ibig sabihin ay “Sinanay Upang Maging Isang Dakilang Lider Alang-alang sa Kapayapaan”.
Ang nasabing bilang ng klase ay kinabibilangan ng 32 babae at 26 lalaking PAF personnel.
Tampok sa seremonya ang pagpapakilala sa mga graduate na may mataas na grado at maayos na performance o nagkamit ng exemplary performance habang nagsasanay.
Ang mga awardee ay sina P2LT Analyn C Bergantiños OT-2367 PAF AWARD; Commander, AETDC; P2lt Glady Mae B Tomas OT-2351 PAF, Deputy Commander, AETDC AWARD; P2LT Marfe E Omandam OT-2364 PAF’ Commandant, PAFOCS AWARD; at P2lt Analyn C Bergantiños OT-2367 PAF; Distinguished Graduate Award.
Isinagawa naman ang Awards Night sa PAFOCS bago ang graduation day kung saan ginawaran
ng parangal ang Officer Trainees na nangauna sa iba’t ibang larangan ng pagsasanay at pag-aaral.
Sila ay sina P2LT Jovelyn J Boctulan OT-2349 PAF, Academic Excellence Award; P2LT Almusaddiquin S Hadji Hamid OT-2356 PAF, Conduct Excellence Award; P2LT John Rie R Tangon OT-2391 PAF, Leadership Excellence Award; at P2LT Romnick G Apostol OT-2359 PAF, Athletic Excellence Award.