Nation

5,745 LEARNERS SA PASAY PUBLIC SCHOOLS TATANGGAP NG CASH AID

/ 2 June 2021

NAGSIMULA na kahapon, Hunyo 1, ang distribusyon ng P3,000 financial assistance sa 5,745 estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Pasay City.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, hanggang Biyernes, Hunyo 4, ang pamamahagi ng cash aid.

Ang 5,745 estudyante ay kabilang sa 60,000 public school students na pagkakalooban ng P3,000 bawat isa para sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

Sa nabanggit na bilang ay 4,402 ang nagmula sa Timoteo Paez Elementary School, habang ang natitirang 1,343 ay mga estudyante ng Apelo Cruz Elementary School.

Sa kabuuan, nakapamahagi na ng financial assistance ang lokal na pamahalaan sa 15,456 estudyante.

Pinayuhan ni Calixto-Rubiano ang mga punong-guro ng  nabanggit na mga eskwelahan na makipag-ugnayan sa representante ng kanilang barangay para makapagplano ng maayos na distribusyon at masigurong masusunod ang mga precautionary measures laban sa Covid19.