Nation

55 PARTY-LIST GROUPS NAIPROKLAMA NA

/ 26 May 2022

KABUUANG 55 party-list groups ang iprinoklama ng Commission on Elections na nanalo sa May 9 elections.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang naturang mga grupo ang bubuo sa 63 congressional seat na magsisilbi mula June 30, 2022 hanggang June 30, 2025.

Naisapinal ang talaan ng nanalong party-list groups matapos ma-canvass ang huling Certificate of Canvass mula sa Lanao del Sur na nagsagawa ng special elections sa Tubaran noong Martes.

Batay sa latest national tally sheet sa party-lists, anim na group ang nakakuha ng 2 percent threshold.

Ang mga ito ay ang ACT-CIS, 2,111,091 votes; 1-Rider Party-list, 1,001,243 votes; Tingog, 886,959 votes; 4Ps, 848,237 votes; Ako Bicol, 816,445 votes at Sagip, 780,456 votes.

Ang ACT-CIS partylist ay bibigyan ng tatlong seats habang ang 1-Rider, Tingog, 4Ps, Ako Bicol at Sagip ay may tig-dadalawang seats.

May isang puwesto sa Kongreso ang mga partylist na Ang Probinsyano, Uswag Ilonggo, Tutok To Win, Cibac, Senior Citizens Partylist, Agimat, Kabataan, Angat, Marino, Ako Bisaya, Probinsyano Ako, LPGMA, Api, Gabriela, CWS, Agri, Ako Ilocano Ako, Kusug Tausug, Kalinga, An Waray, AGAP, Coop Natcco, Malasakit@Bayanihan, BHW, GP Party, Bagong Henerasyon, ACT Teachers, Bicol Saro, Dumper PTDA, Pinuno, Abang Lingkod, PBA, OFW, Abono, at Anakalusugan.

Nagwagi rin ng tig-iisang puwesto ang Kabayan, Magsasaka, 1-Pacman, APEC, Pusong Pinoy, TUCP, Patrol, Manila Teachers, AAMBIS-OWA, Philreca, TGP, Duterte Youth, P3PWD, at Alona.