5 PH UNIVERSITIES PASOK SA ASIA UNIVERSITY RANKINGS 2024
LIMANG unibersidad sa Pilipinas ang nakasama sa Asia University Rankings 2024.
Ang Ateneo de Manila University ang nangunang unibersidad sa bansa ngunit bumaba sa 401 hanggang 500 puwesto, mula sa ika-84 na ranggo noong 2023.
Pumangalawa ang University of the Philippines sa best performing universities sa Pilipinas matapos pumuwesto sa 501-600 bracket ngayong taon mula sa 201-250 puwesto noong 2023, gayundin ang De La Salle University na nanatili sa 501-600 bracket.
Nasa parehong 601 plus bracket naman ang University of Santo Tomas at Mapua University.
Samantala, apat na unibersidad sa bansa ang inilagay sa Reporter status. Ang mga ito ay ang Central Luzon State University, Mariano Marcos State University, Nueva Ecija University of Science And Technology at ang University of Eastern Philippines.
Nanatili naman sa Reporter status ang Cebu Technological University, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, University of Science and Technology of Southern Philippines, Tarlac Agricultural University at Visayas State University.