5.4M CHILD NUDITY, SEXUAL EXPLOITATION MATERIALS TINANGGAL NG FACEBOOK
IBINUNYAG ng Facebook na umaabot na sa 5.4 milyong child nudity at sexual exploitation materials ang tinanggal nila sa kanilang platform.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa mga panukala kaugnay sa pakikipaglaban sa online sexual abuse and exploitation sa kabataan at electronic violence against women, inihayag ng Facebook na mayroon silang 35,000 empleyado na nakabantay sa safety and security, kabilang ang 15,000 content reviewers upang matiyak ang mabilis na aksiyon sa mga report.
Kinumpirma naman ng Google na 94 porsiyento o 8.8 milyon ng mga video ang kanilang na-take down makaraang ma-detect ng kanilang aparato.
Gayunman, wala pang datos ang Google sa mga kaso sa Filipinas.
Sinabi naman ni Senador Kiko Pangilinan na ang mga report na kanilang natatanggap ay taliwas sa social media policies.
“The information we are receiving on the ground is that as soon as one is taken down, another one is just created and then the technology of bots and inauthentic behavior are able to rise,” diin ni Pangilinan.
“The term is immediate takedown. And relying on reporting alone I think is less than ideal… Relying on the citizens to be vigilant is great because they ought to be vigilant. But the technology out there is sometimes just too powerful and too overwhelming for one or two or more individuals to respond effectively,” dagdag pa ng senador.
Iginiit ni Pangilinan na hanggang hindi nakikitaan ng agresibong aksiyon ang social media sites laban sa criminal acts online na gumagamit ng kanilang platforms ay mananatili silang bahagi ng krimen.
Kasabay nito, sinabi ng senador na dapat ay mabilis ang aksiyon ng social media sites sa pag-take down ng mga kaso ng sexual abuse at exploitation online.
“There should be a more proactive response rather than just rely on reports. The difficulty with reporting as was earlier manifested in some of the experiences, it would take several months. But if there is a proactive immediate takedown response from Google and all other media platforms, it would be better,” pahayag ni Pangilinan.
“Part of prevention is immediate takedown because it prevents the spread, prevent the potentially billions who would have access to that information that is private to one individual,” dagdag pa ng senador.