Nation

46K MAG-AARAL SA PASIG TARGET BAKUNAHAN NG LGU

/ 5 November 2021

NASA 46,000 mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan sa Pasig City ang target na mabakunahan ng lokal na pamahalaan sa loob ng 12 araw.

“Ang aming target na babakunahan ngayon ay 46,000,” wika ni Dr. Joseph Panaligan, city health officer ng lungsod.

Sinabi naman ni Mayor Vico Sotto na bukas sa lahat ng menor de edad ang kanilang vaccination program.

“Basta lahat open ito kahit for private school students. Bukas naman po ‘yung system natin for registration, basta may supply kami na puwedeng gamitin sa menor de edad tuloy-tuloy na po tayo,” ani Sotto.

Bagaman hindi pa nila matiyak kung kailan muling bubuksan ang mga paaralan, nakahanda na ang lokal na pamahalaan para sa face-to-face classes.

“At the end of the day, it will be DepEd, it will be the national government to decide and we will go by the decision. But on our end, what’s important is we’re continuously preparing for anything that might happen,” pagbibigay-diin ni Sotto.

“As long as ongoing ‘yung vaccination hopefully we’ll reach the majority of the minors very soon. ‘Yung paaralan na rin mismo inihahanda na natin kung ano ang kailangan ng DepEd. Tuloy-tuloy lang ‘yung paghahanda natin,” dagdag pa ng alkalde.