Nation

44 KATUTUBONG WIKA SA BANSA NANGANGANIB MAWALA

/ 25 October 2022

IKINASA ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika 2022 sa National Museum sa Maynila simula kahapon ng umaga at magwawakas sa Miyerkoles, Oktubre 26.

Sa nasabing pulong, pinalahok ang mga academe, mga iskolar at mananaliksik upang hanapan ng pagkakataon na sagipin ang mga katutubong wikang Filipino.

Inamin nI KWF Tagapangulong Arthur Casanova na sa kabuuanng 130 Wikang Filipino, 44 katutubong wika ang nanganganib nang mawala.

Sa ngayon upang maresolba ito ay itinatag ang Bahay Wika na ngayon ay iisa pa lamang at ito ay sa Abucay, Bataan.

Kabilang naman sa nanganganib na wikang katutubo ay ang Ayta Magbukun.

Sa kasalukuyan, ang hamon sa KWF ay kakulangan ng pondo dahil kahit nais nilang magtayo pa ng Bahay Wika ay wala naman silang pagkukunan.

Target ng KWF na magtayo ng Bahay Wika sa Aurora, Quezon, gayundin sa Visayas at Mindanao.