439 BAGONG KADETE BAHAGI NG PNPA CLASS OF 2026
MAINIT at pormal nang tinanggap ng Philippine National Police Academy ang 439 bagong kadete nitong Hunyo 3.
Ang pagtanggap o traditional reception rites ay sa pamamagitan ng Oath Taking ng mga bagong kadete kung saan panauhing pandangal si PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Rhodel Sermonia sa PNPA sa Camp Castaneda, Silang Cavite,
Ang Oath Taking and Reception Rites ay may temang Traversing the Road Less Travelled: PNPA Receives PNPA Class of 2026 at isinagawa sa Campos Grandstand ng akademya.
Sa tema pa lamang ay nagsasaad na ng pagpapalakas ng morale sa mga bagong kadete para makamit ang pinakamimithing layunin ng PNP na makapagprodyus ng bata at may kakayahang bagong lider ng bansa.
Sa gitna ng init ng panahon ay ipinakita ng mga bagong kadete ang kasiglahan na makapasok sa akademya at maging future leaders ng Pilipinas.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sermonia na dapat ihanda ng bagong 439 PNPA cadets ang isipan at katawan sa mahihirap na pagsasanay, pag-aaral at disiplina na kinalaunan ay kapaki-pakinabang sa kanilang piniling propesyon.
Magiging gabay rin ng mga bagong kadete ang sinabi ni Harriet Beecher Stowe na, “When you get into a tight place and everything goes against you … never give up then, for that is just the place and time that the tide will turn.”