Nation

4 PANG PAARALAN IPINATATAYO SA CAGAYAN DE ORO CITY

/ 5 June 2021

ISINUSULONG ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang apat na panukala para sa pagtatayo ng dagdag na mga paaralan sa kanilang lungsod.

Inihain ni Rodriguez ang House Bills 9247, 9248, 9249 at 9250 para sa pagkakaroon ng dagdag na dalawang elementary schools, isang integrated school at isa pang national high school.

Ang mga elementary school ay ipinatatayo sa Sitio Macapaya sa Barangay Camaman-an at sa Habitat Relocation Site sa Barangay Indahag.

Isang integrated school naman ang ipinapanukalang itayo sa Sitio Palalan sa Barangay Tablon at isang national high school sa Sitio Macapaya sa Barangay Camaman-An.

“Cagayan de Oro is a highly urbanized city in Misamis Oriental in Region 10. It is widely regarded as center of industry, trade and commerce in the region. It is also considered an education hub in the region. Due to this, the population in Cagayan de Oro has been increasing,” pahayag ni Rodriguez sa kanyang explanatory note.

Ipinaalala rin ng kongresista na mandato ng Estado na tiyakin na lahat ng mamamayan ay may access sa dekalidad na edukasyon at ang unang hakbang dito ay ang pagkakaroon ng mga paaralan.

Sa sandaling maaprubahan ang mga panukala, mandato ng Department of Education na maisama sa kanilang taunang budget ang gastusin sa mga paaralan.