Nation

4 BABAENG KADETE PASOK SA 2021 PMA TOP PERFORMERS

/ 4 May 2021

Apat na babaeng 1st Class cadets ng Philippine Military Academy ang kabilang sa top 10 ng Masaligan Class of 2021.

Noong Lunes ay pinangalanan ng PMA ang kanilang Top Performing Cadets sa isinagawang “Kapihan sa PMA” sa Longayban Hall, PMA, Fort del Pilar, Baguio City na dinaluhan ni Lt Gen Ferdinand M. Cartujano PAF,  PMA Superintendent,  at iba pang PMA top key officials na napanood din nang live sa PMA official Facebook page.

Ipinadala sa media ni PMA Spokesperson Maj. Christine Mae Calima ang pangalan ng mga natatanging kadete, kasama ang apat na babaeng mahusay sa klase na sina Cadet 1CL Valerie Mae V. Dicang ng La Trinidad, Benguet,  magna cum laude at Rank 3;  Cadet 1 CL Christine Joyce G. Andog, cum laude,  Rank 5 ng Cabanatuan, Nueva Ecija; Rank 8 na si Cadet 1CL Pamela A. Calleja ng Malinao, Albay; at Cadet 1CL Shirley Fatima E. Lim, cum laude ng Tacloban City at Rank 10.

Samantala, ang top 1 o Valedictorian ng PMA Masaligan Class of 2021 ay tubong San Enrique, Negros Occidental na si Cadet 1st Class  Janrey C. Artus, summa cum laude at magsisilbi sa Philippine Navy.

Bago pumasok sa PMA, si Artus ay nag-aral ng Chemical Engineering sa University of the Philippines Visayas.

Ang Salutatorian ay si Cadet 1CL Daryl Brix R. Colita ng Malalag, Davao del Sur, habang Rank 4 si Cadet 1CL Jan Hernan R. Perez ng

Alabang Hills, Muntinlupa City; Rank 6 si  Cadet 1CL Feljoy B. Ending ng Oroquita City, Misamis Occidental; Rank 7 si Cadet 1CL Harold Mars A. Sastado, cum laude  ng Batangas City, Batangas at Rank 9 si Cadet 1CL Michael Angelo A. Madriaga ng Tabuk City, Kalinga.

Magaganap ang pagtatapos sa loob ng PMA sa Baguio City sa Mayo 10 na may limitadong attendees.

Sa kabuuan, 164 kadete, kabilang ang 148 lalaki at 82 babae, ang mga bagong miyembro ng Armed Forces of the Philippines na may mga ranggong Lieutenants at Ensigns.