39,217 PUBLIC SCHOOLS NA GAGAMITING POLLING PRECINCTS HANDA NA
ITINURNOVER na ng Department of Education sa Commission on Elections ang 39,217 public schools na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.
Sa send off ceremony kahapon ng umaga, kasabay ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, pormal nang idineploy ng kinatawan ng DepEd kay Comelec Commissioner Saidamen Pangarungan ang nasabing bilang ng public schools.
Aabot naman sa 106,439 silid-aralan ang gagamitin para sa halalan habang 647,000 personnel ng kagawaran ang idineploy.
Bukod sa DepEd, idineploy na rin ng PNP, AFP at PCG ang kanilang personnel bilang deputized ng Comelec para makamit ang malinis, mapayapa at organisadong halalan sa Mayo 9.
Malugod namang tinanggap ng Comelec ang mga idineploy na personnel at paaralan para matiyak ang tagumpay ng eleksiyon.