Nation

3,593 ESTUDYANTE SA PRIVATE SCHOOLS SA PASAY PASOK SA TRAVEL SCHOLARS

/ 20 March 2022

LABIS ang pasasalamat ng mga magulang ng 3,593 estudyante mula sa mga pribadong eskuwelahan sa Pasay City makaraang mag-qualify at maging bahagi ng ‘Travel Scholars’ na tumanggap ng P4,000 financial assistance mula sa pamahalaang lungsod.

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng programang pang-edukasyon, kasama ang mga konsehal ng lungsod, sa Cuneta Astrodome nitong Marso 17.

Sa mga estudyanteng napagkalooban ng ayuda,  1,617 dito ay nag-aaral sa District 1 habang ang 1,976 ay sa District 2.

Ang financial assistance ay bahagi ng HELP (Health and Housing; Education, Economic Growth and Environment; Livelihood and Lifestyle; Peace and Oder; Palengke at Pamilya) program ng lungsod.

Sa Facebook post ng Public Information Office, ang mga estudyante sa elementary at high school ay makatatanggap ng P4,000 bawat isa sa kanilang pag-eenrol habang ang mga estudyante naman sa kolehiyo ay pagkakalooban din ng P4,000 kada semester.