3,000 MENOR DE EDAD SA SAN JUAN NAGPAREHISTRO PARA SA COVID19 VACCINE
AABOT na sa 3,000 na may edad 12 hanggang 17 sa San Juan City ang nagparehistro para sa Covid19 vaccine.
Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na ito ay simula noong nakaraang linggo nang buksan ang registration para sa bakuna.
Maaari aniyang magparehistro online o magpatulong sa barangay.
Nasa 15 porsiyento ng Covid19 cases sa lungsod ay kabataan, ayon kay Zamora.
“Malaking porsiyento pa rin ng ating populasyon ang nagkakaroon ng Covid19 and that is a consistent percentage here in San Juan,” pahayag ng alkalde.
Kamakailan ay sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na sisimulan lamang ang pagbabakuna sa mga menor de edad matapos mabakunahan ang halos 50 porsiyento ng populasyon ng bansa.