300 ISKUL HANDA NA SA LIMITED F2F CLASSES
NASA 300 eskuwelahan sa buong bansa ang handa na para sa limited face-to-face classes.
NASA 300 eskuwelahan sa buong bansa ang handa na para sa limited face-to-face classes.
Ito, ayon sa Department of Education, ay kung papayagan ito ni Presidente Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nasa 1,900 eskuwelahan ang inaprubahan ng mga regional director para magbukas ng in-person classes.
Subalit hiniling, aniya, ng Senado na babaan ang bilang ng paaralan na magbubukas kung kaya binaba nila ito sa 600.
At upang makasiguro na masusunod ang Covid19 health protocols ay binabaan muli ng DepEd ang bilang ng eskuwelahan na magbubukas sa 300.
“Umabot ng 1,900 ang in-approve ng mga regional director. Pero sabi ng Senate, sobrang malaki. So, na-reduce to 600. And then we reduced it further, para maging stringent talaga ang requirements, to 300 schools,” sabi ni Briones.