Nation

30 LAW ENFORCERS NAKATAPOS SA DRUG ABUSE PREVENTION TRAINING

/ 11 May 2021

NAKUMPLETO na ng 30 law enforcers mula sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang 10-day training sessions na naglalayong masugpo ang paggamit ng droga sa mga paaralan.

Ang mga pulis at PDEA agent ay nagtapos sa pamamagitan ng virtual ceremony.

Ang training ay nagsimula noong Abril 26 at nagtapos noong Mayo 7 sa pagtataguyod ng International Narcotics and Law Enforcement Affairs na nasa tanggapan ng U.S. Embassy sa Filipinas, katuwang ang Philippine Dangerous Drugs Board at ang Colombo Plan Drug Advisory Program.

Susundan naman ito ng 10-day sessions para bigyan ang mga law enforcer ng dagdag kaalaman sa pagsusulong ng batas sa publiko.

Sakop din ng training sa ilalim ng Colombo Plan ang pagsasanay ng iba pang  professionals at experts sa drug demand reduction at prevention science, at paghasa sa trainers sa pagkilala sa  Universal Prevention Curriculum.

Ang Colombo Plan Drug Advisory Program ay isang regional inter-governmental program na nagsusulong sa kapasidad para sa drug demand reduction efforts sa Asia-Pacific Region.