3 KONDISYON INILATAG NG PALASYO BAGO BUMALIK SA F2F CLASSES
TATLONG kondisyon ang inilatag ng Malakanyang bago payagan ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa sa gitna ng Covid19 pandemic.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, dapat munang mapag-aralang mabuti ng gobyerno ang sitwasyon ng virus sa isang komunidad at ang pagsunod ng mga paaralan sa health regulations.
Muling binigyang-diin ng Pangulo na tinitiyak ng gobyerno ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon kahit may pandemya subalit kailangang iprayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante.
“Education remains our top priority amidst the pandemic as we strive to further boost the country’s human capital — an investment for the future of the Philippines,” pahayag ng Pangulo.
Kabilang sa mga kondisyon ng Malakanyang ang pagsasagawa ng Community Covid19 Risk Assessment na nakabatay sa Covid19 monitoring models.
Kailangan ding matiyak ang school-based readiness kaugnay sa pagsunod sa health standards, kasama rito ang pagkakaroon ng sanitation area sa mga paaralan.
Dapat ding masiguro ang commitment ng essential stakeholders para sa systematic at risk-based approach sa muling pagbubukas ng face-to-face classes.
Una nang ibinasura ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon na simulan na ang limitadong face-to-face classes sa pagbubukas ng School Year 2021-2022 sa September 13.
“The youth’s education has not and will not be sacrificed; their safety will remain our top priority. As such, we will still utilize blended learning for SY 2021- 2022,” sabi ng Pangulo.
“This is to ensure that we would enable learning to continue amidst the threat and uncertainties, while ensuring the health, safety, and well-being of all learners, teachers, and other stakeholders,” dagdag ng Pangulo.