2K STUDES MAKIKINABANG SA PAARAL PROGRAM NG PAF
UPANG makatulong sa mga estudyante, inilunsad ng Philippine Air Force at PTT Philippines Foundation Incorporated ang kanilang “Paaral Program” sa PTT Philippines Corporate Office sa Makati City.
Target ng programa na pagkalooban ng school supplies ang nasa 2,000 mag-aaral sa mga paaralang suportado ng PAF sa iba’t ibang komunidad.
Bahagi rin ng programa ang pagkakaloob ng suporta sa Supreme Student Council Society of the Philippines, bilang pagkilala sa mahalagang papel nito sa “student leadership and development.”
Ang launching ceremony ay pinangunahan nina Major General Teofilo R. Bailon Jr. PAF, ang Acting Chief of Air Staff ng PAF, at Mr. Paul Patricio Senador, ang Pangulo ng PTT Philippines Foundation Inc.
Ang seremonya ay dinaluhan ni Ambassador of the Kingdom of Thailand to the Philippines, His Excellency Tull Traisorat; Khun Sukanya Seriyothin, President and CEO ng PTT Philippines Corporation; at iba pang matatas na opisyal ng PTT Group.