297 BAGONG KADETE NG PNPA NANUMPA NA
MAINIT na pagtanggap ang iginawad ng liderato ng Philippine National Police Academy sa 297 bagong kadete kamakailan.
Bilang tradisyon ng pagtanggap, pinangunahan nina PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, PNPA Director Maj. Gen. Rhoderick Armamento at ng PNPA Command Group ang oath taking at Reception Rites na panimula ng Cadetship Program para sa 297 plebo noong Hunyo 1
Sa kanyang talumpati, pinayuhan ni Eleazar ang mga bagong kadete na maging instrumento ng pagbabago tungo sa ikabubuti ang organisasyon.
“Sa inyo nakasalalay ang mga susunod na kabanata ng Philippine National Police at nasa inyong kamay ang pag-asa ng ating organisasyon,” bahagi ng talumpati ni Eleazar kasabay ng hamon na maging mahusay na lider sa PNP sa mga susunod na panahon.
Ang Cadet Officers ng cadet corps, ALAB-KALIS Class of 2022 ang Immediate Supervisors ng Bachelor of Science in Public Safety Class 2025 para magbigay ng gabay at disiplina sa loob ng 45- day breaking period hanggang madisiplina sila physically at mentally bago pormal na makahalubilo ang iba pang upperclass corps.
Magugunitang noong Marso 7 at 8 ay isinagawa sa buong bansa ang PNPA Cadet Admission Test at ang makapapasa ay pasok na para mapabilang sa PNPA BSPS Class of 2025.