261 SCHOOLS WINASAK NI ‘PAENG’
AABOT sa 261 eskuwelahan ang napinsala sa pananalasa ni Tropical Storm Paeng, ayon sa Department of Education.
Patuloy na tinitingnan ng ahensiya ang lawak ng pinsala mula sa isa sa pinakamatinding bagyo na tumama sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon sa DepEd, bukod sa 261 paaralan, may 381 silid-aralan din ang winasak ng bagyo.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na patuloy ang paggalaw ng bilang na ito.
“Assessments and vetting of reports from the field are still ongoing,” sabi ni Poa sa isang mensahe sa mga reporter.
Sa pinakahuling ulat, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na naitala ang mga nasirang paaralan sa Oriental Mindoro at Davao Occidental.
Iniulat din ng DepEd na 528 eskuwelahan ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation center.