Nation

260K KASO NG BULLYING NAITALA NG DEPED SA SY 2021-2022

/ 3 February 2023

MAHIGIT 260,000 kaso ng physical bullying sa mga paaralan ang naitala ng Department of Education sa loob lamang ng isang school year.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Dexter Galban, may kabuuang 264,668 na naiulat na mga kaso ng physical bullying ang isinampa noong School Year 2021-2022.

May 7,758 na kaso rin ng cyberbullying, 7,800 ng gender-based bullying, at 17,258 na kaso ng social bullying.

Sa kabila ng nakababahalang bilang, marami pang kaso ang pinaniniwalaang hindi naiulat.

Inilunsad ng DepEd ang kanilang helpline para sa mga mag-aaral upang i-report
ang nararanasang pang-aabuso at isang programa na nakatuon sa kalusugan ng isip ng mga mag-aaral.