25 RESP SCHOLARS SUMAILALIM SA TRAINING INDUCTION PROGRAM
UPANG maisulong ang pagkakaroon ng de kalidad na bigas, gayundin ang produkyon, determinado ang pamahalaan na madagdagan ang kaalaman ng Pinoy.
Kaya naman nahigit 25 iskolar ang sumailalim sa Training Induction Program bilang panimula ng kanilang pagsasanay sa kwalipikasyon na Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification and Farm Mechanization sa ilalim ng Rice Extension Services Program o RESP.
Sa pamamagitan ng TIP, binibigyan ng oryentasyon ang mga trainee ukol sa mga layunin, benepisyo, at patakaran ng TESDA.
Ito rin ay nagsisilbing gabay para matiyak na magiging handa at may sapat na kaalaman ang mga trainee bago sila sumabak sa pagsasanay.