25 DRUG SURRENDEREES SINANAY NG TESDA
DALAWAMPU’T LIMANG dating mga drug addict mula sa South Cotabato ang tinulungan ng Technical Education and Skills Development Authority para makabalik sa normal na pamumuhay.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila na maging abala upang hindi na bumalik sa bisyo.
Tinulungan din silang maging kapaki-pakinabang ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasanay.
Ang mga drug surrenderee ay pinag-aral ng Electronic installation and Maintenance NC II.
Sila ay isinailalim sa training sa Bahay Silangan sa bayan ng Tupi.
Ang mga benepisyaryo ay nagsanay sa ilalim ng Special Training for Employment Program.