2023 BAR EXAMS 3 ARAW NA LANG
INANUNSIYO ng Korte Suprema na gagawing tatlong araw na lamang ang 2023 Bar examinations kung saan gaganapin ito sa Setyembre 17, 20 at 24.
INANUNSIYO ng Korte Suprema na gagawing tatlong araw na lamang ang 2023 Bar examinations kung saan gaganapin ito sa Setyembre 17, 20 at 24.
Ipinaliwanag ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, ang 2023 Bar chairperson, na ang pagdaraos ng Bar examination sa pinababang bilang ng mga araw ay magbibigay-daan sa muling pagtutok sa pag-aaral ng batas sa fourth-year review classes sa halip na sa post-graduate Bar review.
“Just as important, it will also mean lesser review costs…More importantly, the new members of the Bar will have an opportunity for early employment and contribution to society,” pahayag ni Hernando sa ikatlon araw ng Northern Luzon Regional Convention ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Bukod sa mas maagang iskedyul at nabawasang araw ng pagsusulit, ginawa ring anim ang subjects sa halip na walo.
“Commercial Law and Taxation Law have been conjoined to the close affinity between these two fields in legal practice,” ani Hernando.
“Where Remedial Law and Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises were fused together as these subjects complement each other in actual practice,” dagdag pa niya.
Ibig sabihin ay ang anim na core subjects ay isasagawa lamang ng tatlong araw.
“Following the configuration of Sunday, Wednesday and Sunday, namely, Political and Public International Law, Commercial and Taxation Laws (on the 1st day), Civil Law, Labor Law and Social Legislation (2nd day), Criminal Law and Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises (3rd day).”