Nation

2021 MAS CHALLENGING SA MGA ESTUDYANTE, GURO — SENADOR

/ 29 December 2020

NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na mas magiging ‘challenging’ sa mga estudyante at guro ang 2021, lalo na sa gitna ng pinangangambahang bagong strain ng Covid19.

Ayon kay Gatchalian, sa kabila ng halos isang taon nang pakikipaglaban ng bansa sa Covid19 ay marami pang dapat matutunan.

Ito rin ang dahilan ng kanyang pagpabor sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa una nang inaprubahang face-to-face classes sa low-risk areas sa Enero 2021.

“After battling with the coronavirus for almost a year, there are a lot of things that we still don’t know. For one, this virus can mutate into a new variant. This unknown has led our president to cancel the planned localize limited face-to-face classes and I completely understand his reason for this sudden cancellation,” pahayag ni Gatchalian.

“2021 will be a very challenging year for both our learners and our teachers in light of the absence of face-to-face classes,” dagdag ng senador.

Iginiit ng mambabatas na kailangang ibuhos ng gobyerno ang mga kailangang resources upang matiyak na walang estudyante ang susuko sa kanilang pag-aaral.

“Government has to use every arsenal it has to make sure that our learners will not regress, or worse, drop out of school completely. We have equipped DepEd with Covid-mitigating items in the 2021 budget. They should implement those items as soon as possible,” dagdag ng senador.