19TH PHL ROBOTICS OLYMPIAD DINOMINA NG PUBLIC SCHOOLS
DINOMINA ng mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ang humigit kumulang 286 na kalahok sa ginanap na virtual 19th Philippine Robotics Olympiad noong nakaraang buwan.
“I would like to congratulate those who participated and won in this Robotics Olympiad. Talaga namang pinatutunayan nito na hindi magpapahuli ang mga paaralan natin sa paglinang ng mga mag-aaral sa robotics,” wika ni Education Secretary Leonor Briones.
“The field of robotics is one of the exciting fields in the future of education and with the help of our partners, we hope to support more schools to offer robotics programs,” dagdag pa ng kali-him.
Nagwagi sina Jamella Ronquillo at Greg Homer Delos Santos mula sa Aurora Quezon Elemen-tary School sa Manila sa kategorya ng Elementary.
Para naman sa kategorya ng Junior High School ay namayani sina Marc Francisco Largo, Luke Alexander Pons, at Allen Reilan Bustamante ng Pitogo High School sa Makati City.
Itinanghal namang kampeon sa kategorya ng Senior High School ang kinatawan ng Batasan Hills National High School sa Quezon City na sina Raymond Yncierto, John Carlo Eduria, at Jhun Eric Tindungan.
Samantala, naiuwi nina Nicole Ching Angela Sanchez, Shania Kate Namoco, at Shane Clarice Bacrang ng Candijay National High School mula sa Dibisyon ng Bohol ang titulo sa Open cate-gory.
Dulot na rin ng sitwasyon ngayon dahil sa pandemya ng Covid19, ang naturang kompetisyon ay isinagawa sa pamamagitan ng Virtual Robotics Toolkit at World Robot Olympiad SMART Cities Virtual Playing Fields para sa lahat ng lebel.
Iginiit ni Felta Multi-Media Inc. President and Robotics Olympiad national organizer Mylene Abiva na ang kompetisyon ngayong taon ay naglalayong pataasin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa ganitong kritikal na panahon.
“[We] would like to involve as many students, coaches, parents, and school administrators to create awareness on how Virtual Robotics technology can be an engaging competition and event even during COVID times,” pahayag ni Abiva.
Nagsilbing mga hurado sina Dr. Ruby Cristobal, ang Chief Science Research Specialist ng Sci-ence Education Institute; Vergel Rebuta, ang Science Research Specialist II ng SEI-DOST; at Engineer Carlos Oppus, ang Director ng Ateneo de Manila Innovation Center.